Happy Recycling Day

96 comments - Post a comment

Guys this is the proper way of recycling. Watch!




Shared by my former colleague.

 

Funny SMS 15

16 comments - Post a comment


Reporter:
Sir, kung wala po kayong evidence, witness or suspect ano na po ang next step ninyo?

Police: DNA na...

Reporter: Sir, ano po yung DNA?

Police:
Di Namin Alam.

---------------

Man 1: Away kami ni misis, nag-Historical siya.

Man 2: Pare baka ang ibig mo sabihin ay nag-Hysterical.

Man 1:
Hinde, historical kasi inungkat lahat ng kasalanan ko!

---------------

Pare 1: Pare, alam mo ba tawag sa paniki na mababa ang lipad?

Pare 2:
Hindi eh! Ano ba pare?

Pare 1:
Lowbat pare! Lowbat!

---------------

Mrs:
Bakit ngayon ka lang?

Mr: Pasensha na, nagyaya mga officemates ko, nagkainuman lang. He he! Hik...

Mrs: Lasing ka no?

Mr: Ako, lashing? Hindi! Hik...

Mrs:
Anong hindi? La ka namang trabaho, pano ka nagka-officemates?

---------------

Host: Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?

Tanda: Pwede ho bang manawagan?

Host: Ilang taon na po kayo?

Tanda: 98 y/o na po ako.

Host: Wow! Ang tanda nyo na pala! O, sige po... manawagan na kayo.

Tanda:
Itay, umuwi na kayo! Hindi na nagagalit si Lolo sa inyo!

 

Funny SMS 14

17 comments - Post a comment

Heartthrob ba ako? If yes, huwag kang magreply. If no, itext mo sa akin ang tagalog ng toothpaste, cake, roller coaster at ng remote control.

---------------

Saan ka na? Magreply ka naman. Andito kami, naghihintay sa iyo sa may GMA Studio. May taping tayo ngayon sa commercial ng Safeguard. Bilisan mo, ikaw ang germs! ha ha ha!

---------------

Paano kung masaya ka na sa kasalukuyan, tapos, isang araw, binalikan ka ng nakaraan. Alin ang iiwan mo? Yung ngayon na unggoy ka na? O yung una na mukhang dinosaur ka pa? He he!

---------------

Mrs. 1: O mare, bakit ka umiiyak?

Mrs. 2: Nag-away kami ni pare, gusto nya, sex kami, style aso, tumanggi ako!

Mrs. 1: Masarap naman yun!

Mrs. 2: Masarap nga, kaso, gusto nya, sa kalsada! Ngek!

---------------

Help! Nasa presinto ako. Nahuli kasi ako while I was working kanina. The charge was possession of cute face. I had no choice but plead guilty. Lakas ng ebidensya nila e!

The above text jokes are from Komski Qoutebox widget.

 

Shark in Manila Bay

10 comments - Post a comment

Yes, it's confirmed, there's a shark in Manila Bay! In fact, here's the recent appearance in the bay area.

 

How nice to be rich

1 comments - Post a comment

Ano nga ba ang dahilan kung bakit lahat nang tao ay gustong yumaman? Let’s state some reasons why most people wants to be famous and rich.

Thanks to Gwyngill (ISBN 971-610-062-0) for providing this meaningful facts.

Kung mayaman ka, meron kang "allergy", kung mahirap ka ang tawag diyan ay "galis."

Sa mahirap "sira ang ulo", sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa tension.

Sa mayamang malikot ang kamay ang tawag ay "kleptomaniac", sa mahirap
ang tawag dito ay "magnanakaw."

Pag mayaman ka, you're "eccentric", kung mahirap ka, may "toyo ka sa ulo."

Kung mahirap ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay "nalipasan ng gutom", kung mayaman ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may "migraine."

Kung mahirap ka, ikaw ay "kuba", pero kung mayaman ka, meron kang "scoliosis."

Kung isa kang katulong na maitim, ikaw ay "ita", "negrita", o "baluga", pero
ang señorita mo kahit kasingkulay mo, ang tawag ay "morena" o "kayumanggi."

Kung nasa high society ka, you are approvingly called "slender" or "balingkinitan", kung mahirap ka lang ang tawag sa'yo "payatot" o "patpatin."

Kung nasa high society ka pa rin at ikaw ay maliit ang tawag sa iyo ay "petite", pero kung mahirap ka lang, ikaw ay "pandak", "bansot", o "unano."

Malandi ka kung isa kang "dukhang alembong", pero kung mayaman kayo, ang tawag sa'yo ay "liberated."

Ang mahirap na tumatanda ay "gumugurang", sa mayamang tumatanda, siya ay "aging gracefully."

Ang anak ng mayaman ay "slow learner", habang ang anak ng mahirap ay "bobo."

 

Please...don't laugh!

1 comments - Post a comment

"Puwede wag po kayong tumawa?" Ang bungad na salita ni Juan nang makausap niya ang doktor.

"Oo naman. Ako ay propesyonal sa trabaho ko at matagal na akong nanggagamot. Marami na akong napagaling na kakaibang sakit at kailanman hindi ko pinagtawanan ang mga sakit nila."

"Salamat kung ganun dok!"

Kaya pinakita niya kung ano ang problema niya sa doktor. Nalantad sa doktor ang kanyang maliit na ti** na kasinglaki lamang ng isang sili. Sa pagkakabigla ng doktor, hindi niya napigil ang kanyang sarili. Ito ay nagkikisay sa sahig sa katatawa.

Makalipas ang ilang minuto, biglang naisip ng doktor ang kanyang pangako at inayos ang sarili.

"Pasensiya ka na ha! Namangha kasi ako sa nakita ko. Di ko lang nakontrol ang sarili ko, ngayon lang kasi ako nakakita ng ganyan kaliit na ti**. Bilang isang doktor responsibilidad kong gamutin ang problema ng aking pasyente at ito'y hindi dapat pinagtatawanan. Ngayon, ano ba ang maitutulong ko?"

"Namamaga po siya dok!" Malamyang sagot ni Juan.

 

Pinoy Quiz

3 comments - Post a comment

Tanong: Bakit ang aso itinataas ang paa sa gilid ng bakod kapag umiihi?
Sagot: Kasi baka matumba ang bakod, tinutukuran niya lang para safe siya.

Tanong: Bakit ang manok tumitingala kapag umiinom ng tubig?
Sagot: Nagdadasal sila. Sinasabi nilang "Diyos ko kailan ba ako iihi?"

Tanong: Anong isda ang lalaki pa sa dagat?
Sagot: Siyempre yung maliit na isda.

Tanong: Bakit binubuksan ang bintana sa umaga?
Sagot: Kasi nakasara.

Tanong: Ano ang hindi kinakain sa balot maliban sa balat?
Sagot: Sabaw kasi iniinom yon.

Tanong: Anong tinapay ang hindi kinakain ang gitna?
Sagot: Donut kasi butas ang gitna nito.

Tanong: Ilan ang dwarf ni Cinderella?
Sagot: Tanga! Si Snowhite kaya ang may dwarf.

Tanong: Paano malalaman kung may tanga sa sabungan?
Sagot: Kapag may nagdala ng bibe.

Tanong: Paano malalaman kung may tanga sa sabungan?
Sagot: Kapag may pumusta sa bibe.

Tanong: Paano malalaman kung may sindikato sa sabungan?
Sagot: Kapag nanalo ang bibe.

 

Gabi ng lagim

1 comments - Post a comment

Isang gabi malakas ang ulan. Kumikidlat pa at kumukulog. Wala kang kasama

sa bahay dahil nag-outing silang lahat. Matatakutin ka pa naman, biglang

tumigil ang ulan. Nakabibinging katahimikan ang naghari sa kapaligiran.

Sabay sabay na nag-iyakan ang mga aso ng kapitbahay. Biglang tumayo ang

balahibo mo. Malas nama'y saka pa nagblackout. Kinapa mo ang kandila sa

kusina at hinanap ang posporo habang patuloy pa rin ang pag-iyak ng mga

aso, nang biglang may sumigaw nang malakas. BALOOOT.....PENOY KAYO

RIYAN!

 

Funny SMS 13

No Comment - Post a comment

Guro: Ano sa Ingles ang aso?

Estudyante: Doog Ma'am.

Guro: Pumunta ka sa blackboard at isulat mo ang iyong sagot.

Isinulat naman ng estudyante sa blackboard ang doog.

Estudyante: Tapos na ho Ma'am.

Guro: Bakit dalawa ang letrang O?

Estudyante: Alin ho dito sa dalawa ang aalisin ko Ma'am?

---------------

Tambay 1: Pare anong ikinamatay ng tiyong mo?

Tambay 2: Pagkabingi.

Tambay 1: Nakakamatay ba ang pagkabingi?

Tambay 2: Oo, kasi hindi niya nadinig yung busina nung dumarating na trak.

---------------

Anak: Itay may nakaready na ba tayo kung sakaling lumakas 'tong bagyo?

Ama: Meron na.

Anak: Anu-ano? De lata, bigas, biskwit, kape at asukal?

Ama: Hindi.

Anak: Eh ano po ang nakaready?

Ama: Payong...wala kasi tayong bahay eh!

---------------

Anak: Inay, Inay nahulog si kuya sa balon!

Inay: Ano? Saang balon? Doon ba sa pinagkukunan natin ng inumin?

Anak: Hindi Nay.

Inay: Hay salamat!

---------------

Mister 1: Alam mo yung kapitbahay natin, 'yong bagong kasal na nakatira ngayon sa kanyang biyenan?

Mister 2: Ano iyon?

Mister 1: Mahiyain daw siya sa bahay. Kasi SHY naglalaba, SHY namamalantsa, SHY nagluluto, SHY lahat gumagawa ng trabahong bahay.

 

Imahinasyon, ating paganahin.

No Comment - Post a comment

Ngayon, subukan natin ang iyong imahinasyon.

Isipin mong may dalawang dice na nakapatong sa iyong keyboard.

Ok naisip mo na?

Magaling.

Ngayon, kunin mo ang isang dice at isipin mong may nakita kang itim na kulay.

May naisip ka bang numero?

Ang numero bang 'yan ay nagpapaalala sayo ng iyong unang karanasan sa sex?

Hindi di ba?

Ngayon, ibaba mo ang hawak mong dice at kunin mo iyong isang dice saka hanapin mo ang spots?

Ano ang numerong naisip mo?

Ang numero bang 'yan ay nagpapaalala sayo ng iyong unang karanasan sa sex?

Palagay ko hindi.

Ngayon kunin mo pareho ang dalawang dice, hawakan mo at saka mo alugin.

Inaalog mo na?

Kung ganun magaling.

Ngayon pustahan tayo, iyan ang una mong naranasang sex.

Di ba?

 

Kung kaya mo- kaya ko rin!

No Comment - Post a comment

Nakasanayan na ng isang guro na bago mag-umpisa ang klase na tawagin ang pangalan ng kanyang mga estudyante at kailangan ang maging sagot ng kanyang tinawag ay ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Isang bata na nakaupo sa unahan kung saan paborito ng guro ang nagsabing--"Ako po si Ken, at paglaki ko gusto kong maging doktor at magtrabaho sa Amerika."

Sumunod na nagpakilala naman ang isang cute na batang babae. Ang kanyang naging sagot--"Ako po si Barbie at kapag ako'y dalaga na gusto ko magkaroon ng anak. Kung kaya ko, at sa palagay ko'y kaya ko naman."

Sunod ay ang kilala sa klase sa pagiging matulungin, maliit na bata na nakaupo sa likuran. Tumayo at kumpiyansang nagsalita, "Ako po si Juan, wala akong pakialam sa Amerika na 'yan pero gusto ko pagbinata na ako, tutulungan ko si Barbie sa pag-tupad sa kanyang pangarap sa abot nang aking makakaya. At sa palagay ko'y kaya ko rin naman."