Please...don't laugh!

1 comments - Post a comment

"Puwede wag po kayong tumawa?" Ang bungad na salita ni Juan nang makausap niya ang doktor.

"Oo naman. Ako ay propesyonal sa trabaho ko at matagal na akong nanggagamot. Marami na akong napagaling na kakaibang sakit at kailanman hindi ko pinagtawanan ang mga sakit nila."

"Salamat kung ganun dok!"

Kaya pinakita niya kung ano ang problema niya sa doktor. Nalantad sa doktor ang kanyang maliit na ti** na kasinglaki lamang ng isang sili. Sa pagkakabigla ng doktor, hindi niya napigil ang kanyang sarili. Ito ay nagkikisay sa sahig sa katatawa.

Makalipas ang ilang minuto, biglang naisip ng doktor ang kanyang pangako at inayos ang sarili.

"Pasensiya ka na ha! Namangha kasi ako sa nakita ko. Di ko lang nakontrol ang sarili ko, ngayon lang kasi ako nakakita ng ganyan kaliit na ti**. Bilang isang doktor responsibilidad kong gamutin ang problema ng aking pasyente at ito'y hindi dapat pinagtatawanan. Ngayon, ano ba ang maitutulong ko?"

"Namamaga po siya dok!" Malamyang sagot ni Juan.