Preso o Trabaho?

No Comment - Post a comment

Do you want to be a prisoner or an office worker for the rest of your life? Below are the reasons to help you decide. Hindi kita masisisi kung pipiliin mong maging preso na lang.

Sa preso...karamihan ng oras mo ay nasa lugar na ang laki ay 10x10 na selda.
Sa trabaho...tinatapos ang buong araw sa lugar na ang laki ay 8x8 na kuwarto.

Sa preso...kumakain ka ng tatlong beses sa isang araw.
Sa trabaho...meron kang isang beses para magpahinga para kumain at bayaran ang nakain mo.

Sa preso...meron kang pagkakataon para magkaroon ng magandang asal.
Sa trabaho...bibigyan ka ng maraming trabaho ng boss mo dahil sa pagkakaroon mo ng magandang asal.

Sa preso...palaging merong guwardiya na magbubukas at magsasara ng pintuan para sayo.
Sa trabaho...kailangan palagi mong dala ang security card para makapasok ka sa anumang pintuan na papasukan mo.

Sa preso...pwede kang manood ng telebisyon at maglaro.
Sa trabaho...matatanggal ka sa trabaho kapag nahuli kang nanonood ng telebisyon at naglalaro.

Sa preso... pinapayagan kang mabisita ng mga kamag-anak at kaibigan mo.
Sa trabaho...kung pwede lang ay wag kang tatawag para makausap ang pamilya mo habang ikaw ay nagtatrabaho.

Sa preso...lahat nang pangangailangan mo ay galing sa buwis ng taong bayan na hindi ka kailangang magtrabaho.
Sa trabaho...kailangan mong gumastos para makapunta sa trabaho at babawasan pa ang suweldo mo para ipampakain sa mga preso.

Sa preso...makikisama ka sa mga sadistang warden.
Sa trabaho...'yun ay ang boss mo.

 
This Post has No Comment Add your own!

Post a Comment