Emailed by a friend.
---------------
Nahuling may kodigo ang estudyante...
Guro: Ano 'to?
Estudyante: Prayer ko po, ma'am!
Guro: At bakit answers ang nakasulat?
Estudyante: Naku! Sinagot na ang prayers ko, salamat sa diyos!
---------------
Nakaamoy si Ngongo ng pabango sa isang store.
Sabi ni Ngongo, "Ale, mango!"
Sabi naman ng saleslady, "Pabango 'yan, hindi alimango!" Ulit ni
Ngongo, "Ale, mango!"
Nag-agawan si Ngongo at ang saleslady sa pabango. Nahulog ang pabango
at nabasag.
Sabi ni Ngongo, "Ale, masag!"
---------------
Dumalaw si GMA sa mental hospital...
Dok: Let's welcome President Arroyo!
Pumalakpak lahat ng pasyente maliban sa isa na nasa sulok...
GMA: O, dok, bakit 'yung isa, hindi pumalakpak?
Dok: Ma'am, magaling na po siya!
---------------
Dok: Anong nangyari sa mga tenga mo?
Pasyente: Nagpaplantsa kasi ako nang kumiriring ang telepono. Aksidenteng na-pick up ko 'yung plantsa.
Dok: Eh bakit dalawang tenga mo ang nagkaganyan?
Pasyente: Ang gago, tumawag uli!
---------------
A naked girl rode on a taxi.
"Bakit?" Asked the girl at the driver na nakatitig sa katawan nya, "ngayon ka lang ba nakakita ng hubad?"
Driver: "Hindi po miss, iniisip ko lang kung saan nakatago pamasahe mo."
hmnnnn.. san nga kaya nakatago yung pamasahe... hmmmnnnn ulit...