Funny SMS 6

2 comments - Post a comment

Tinawag ang testigo sa witness stand. Alumpihit siya sa pagsasalita...

Witness: Well, I think...

Lawyer: Do not think. Sabihin mo na kaagad ang iyong iniisip!

Witness: Ako po ay hindi abogadong kagaya ninyo. Hindi po ako nakapagsasalita nang hindi nag-iisip!!!

---------------

Babae: Dok, gusto ko pong magpa-executive check-up.

Doktor: Ilang taon na po kayo?

Babae: Thirty-five na po.

Doktor: Hindi ba't narito ka noong isang taon? Sabi mo noon, thirty-five ka na, bakit...?

Babae: Aba, Dok, hindi po ako kagaya ng ibang babae riyan na pabagu-bago ang isip!

---------------

Pasyente: Dok, masakit po ang aking kaliwang paa.

Doktor: Baka arthritis lang iyan.

Pasyente: Hindi po siguro.

Doktor: Ilang taon ka na ba?

Pasyente: Animnapu't lima na po.

Doktor: Maaaring sa katandaan na iyan.

Pasyente: Nais ko pong maniwala sa inyo kaya lang kung totoo man iyan, bakit itong kanang paa ko hindi naman sumasakit gayong magkasing-gulang naman sila.

---------------

May isang tsuper na dumaan sa may Balete Drive, na pinaniniwalaang pinaninirahan ng multo. Walang kaabug-abog, may pumarang nakapula. Umupo pa sa tabi ng driver.

Tsuper: Saan po tayo?

Taong Nakapula: Diretso lang.

Walang sabi-sabi'y nagbago ang kulay ng damit ng taong nakapula.

Tsuper: Bakit naging puti na ang damit mo?

Taong Nakapula: Siyempre, TIDE 'ata ang gamit ko!

---------------

Nag-iinuman ang magkumpare sa isang tindahan.

Lasing 1: Pare, ano ang mayroon ang tatay mo na ginagamit din ng nanay mo?

Lasing 2: Mayroon ba no'n?

Lasing 1: Eh di, APELYIDO.

 
This Post has 2 Comments Add your own!
crazed_heck - November 10, 2007 at 9:31 PM

wahahaha...ang kulit...

Ezekiel - November 11, 2007 at 11:10 PM

Exchange link tau... Link kita saaken link mo ako sau.

http://www.pinoybigblog.blogspot.com


Nalink na pala kita saaken. Tingnan mo na lang

Post a Comment