Ang Kakambal.

1 comments - Post a comment

Isang binatang nasisiraan ng ulo ang isinugod sa pagamutan ng mga baliw sa Mandaluyong City. Tawa nang tawa. Humahagikhik, humahalakhak na walang tigil. Siyempre, bagong pasok ay ininterbyu siya ng naroong doktor.

"Rodel po ang pangalan ko. Mayaman po kami. Ang totoo po, may kakambal ako. Magkamukhang-magkamukha kami at halos ay wala kaming pinagkaibahan. Dahil sa sobrang pagkakamukha namin, sa eskuwelahan, kapag may test kami, siya ang kumukuha para sa akin."

Tatangu-tango ang doktor. Sa isip-isip niya'y mukha namang matino ang binata.

"Minsan nga po, nang mapaaway siya sa isang bayan, ako ang nakulong. Ang malungkot po na hindi ko malilimutan ay may girlfriend ako na mahal na mahal ko. Siya ang nakatanan. Napagkamalan niya ang kakambal ko," paliwanag ni Rodel.

"Eh bakit mukhang masayang-masaya ka ngayon?" usisa naman ng doktor.

"Kasi po, nakabawi naman ako. Noong isang linggo, namatay ako. Siya ang inilibing."

 
This Post has 1 Comment Add your own!
crazed_heck - November 2, 2007 at 11:14 PM

hahahaha...

thanks for the visit...have linked you up...exlinks tayo mas ok...

you can check it sa blog ko...

Post a Comment