Paktori Depek

1 comments - Post a comment

May BMW na binebenta ng 3,000 lang. Kaya lang may paktori depek... yung windshield 600 ang grado. Pagamot mo na lang.

---------------

Ito Mercedes Benz na binebenta 3,000 lang. Kaya lang may paktori depek... yung gulong square. Ngeek!

---------------

Gusto mo ng helikopter 2,000 pesos lang. Mura 'no? Kaya lang may paktori depek... yung katawan ang umiikot. Pagtiyagaan mo na, at least naiiba ang sayo di ba?

---------------

Pison only for 8,000 pesos. Kaya lang may paktori depek. Yung pison, e ....de-pedal. waaaaaaa!

---------------

Kikay ka ba? Ito high heels from JP Todd's - 120 pesos lang. Kaya lang ang takong nasa harap. Sosyal!

---------------

Mahilig ka bang pumorma? Ito Harley Davidson na binebenta for only 1,000 pesos lang. Yun nga lang... sa mukha nung nakasakay nakaharap yung tambutso. Wow libre pa yosi dude, cool!

---------------

For the girls naman tayo. Ikaw ba ay fanatic ni Hello Kitty? Ito may binebenta na Hello Kitty panty 10 pesos ang dalawang dosena. Kaya lang may paktori depek... nangangalmot! Sakit 'nun.

---------------

Plantsa 100 pesos lang. Kaya lang may paktori depek...'yung hawakan ang umiinit! Wag na uy!

Source: Gwyngill, ISBN: 971-610-062-0

 
This Post has 1 Comment Add your own!
BURAOT - December 22, 2007 at 9:48 PM

wehehehe. heto, heto ang mga kopongkopong na jokes. nage evolve lang. pero kwela pa rin. lols!

Post a Comment