Isang gabi malakas ang ulan. Kumikidlat pa at kumukulog. Wala kang kasama
sa bahay dahil nag-outing silang lahat. Matatakutin ka pa naman, biglang
tumigil ang ulan. Nakabibinging katahimikan ang naghari sa kapaligiran.
Sabay sabay na nag-iyakan ang mga aso ng kapitbahay. Biglang tumayo ang
balahibo mo. Malas nama'y saka pa nagblackout. Kinapa mo ang kandila sa
kusina at hinanap ang posporo habang patuloy pa rin ang pag-iyak ng mga
aso, nang biglang may sumigaw nang malakas. BALOOOT.....PENOY KAYO
RIYAN!
Nakasanayan na ng isang guro na bago mag-umpisa ang klase na tawagin ang pangalan ng kanyang mga estudyante at kailangan ang maging sagot ng kanyang tinawag ay ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Isang bata na nakaupo sa unahan kung saan paborito ng guro ang nagsabing--"Ako po si Ken, at paglaki ko gusto kong maging doktor at magtrabaho sa Amerika."
Sumunod na nagpakilala naman ang isang cute na batang babae. Ang kanyang naging sagot--"Ako po si Barbie at kapag ako'y dalaga na gusto ko magkaroon ng anak. Kung kaya ko, at sa palagay ko'y kaya ko naman."
Sunod ay ang kilala sa klase sa pagiging matulungin, maliit na bata na nakaupo sa likuran. Tumayo at kumpiyansang nagsalita, "Ako po si Juan, wala akong pakialam sa Amerika na 'yan pero gusto ko pagbinata na ako, tutulungan ko si Barbie sa pag-tupad sa kanyang pangarap sa abot nang aking makakaya. At sa palagay ko'y kaya ko rin naman."
Humihingal at lawit-dilang nakaakyat sa fifth floor ang isang lalake papunta sa klinika ng doktor.
"Dok, ano ho ba ang gagawin ko para bumuti ang pakiramdam ko?""Magdiyeta ka para mabawasan ang taba mo. Tumigil ka sa paninigarilyo at pag-inom. Tapos pumunta ka sa optiko."
"Optiko? Bakit ho?"
"Para mabasa mo ang karatula sa pinto. Arkitekto ako, eh. Yung doktor, nasa first floor!
Image provided by: CartoonStock
Isang binatang nasisiraan ng ulo ang isinugod sa pagamutan ng mga baliw sa Mandaluyong City. Tawa nang tawa. Humahagikhik, humahalakhak na walang tigil. Siyempre, bagong pasok ay ininterbyu siya ng naroong doktor.
"Rodel po ang pangalan ko. Mayaman po kami. Ang totoo po, may kakambal ako. Magkamukhang-magkamukha kami at halos ay wala kaming pinagkaibahan. Dahil sa sobrang pagkakamukha namin, sa eskuwelahan, kapag may test kami, siya ang kumukuha para sa akin."
Tatangu-tango ang doktor. Sa isip-isip niya'y mukha namang matino ang binata.
"Minsan nga po, nang mapaaway siya sa isang bayan, ako ang nakulong. Ang malungkot po na hindi ko malilimutan ay may girlfriend ako na mahal na mahal ko. Siya ang nakatanan. Napagkamalan niya ang kakambal ko," paliwanag ni Rodel.
"Eh bakit mukhang masayang-masaya ka ngayon?" usisa naman ng doktor.
"Kasi po, nakabawi naman ako. Noong isang linggo, namatay ako. Siya ang inilibing."
This funny story was posted by user Anne17 of Praning.com, she posted many jokes there and I choose to post it here to share it to you also. Thanks Anne17.
Sa tuwing pinatutulog ni Eugene ang kanyang anak na si Nena ay lagi nya itong pinaaalalahanan na magdasal muna. Isang gabi, sa huli ng kanyang dasal ay kanyang nabanggit na, "God bless mommy, God bless daddy, God bless grandma, and Goodbye grandpa".
Sabi ni Euegene, "Bakit mo nasabing goodbye kay lolo mo?" Sabi naman ni Nena--"ewan ko po, dumulas lang ho sa bibig ko eh". Kinabukasan namatay si lolo. Inisip naman ni Eugene na isang aksidente lang yun.
Makalipas ang isang buwan may nasabi na naman si Nena. "Gob bless mommy, God bless daddy, and goodbye grandma." Kinabukasan, namatay si lola. Inisip ni Eugene na siguro ay may kontak ang batang ito sa itaas.
Makalipas ang ilang linggo narinig nya ang anak na nasabing, "God bless mommy and goodbye daddy". Biglang nagulat si Eugene, nagtayuan ba naman ang kanyang mga balahibo sa takot!
Hindi sya makatulog nung kinagabihang iyun. Pagdating ng madaling araw ay uminom siya ng kape at pumunta ng opisina. Inisip nya na doon ay ligtas siya. Naghintay sya hanggang hating-gabi bago umuwi. Pag-uwi, sinalubong sya ng kanyang asawang umiiyak. "Anong nangyari at humahagulgol ka dyan?" Pahikbing sinabi ng asawa na, "Yung Kartero, namatay na!"
Very touching story
Matalinong bata si Garet. Siya ang pinakamatalino sa nayon nila. Sasali siya Quiz Bee na gaganapin sa Maynila.
Sa kasawiang palad, di siya nanalo. Malungkot si Garet dahil baka madisappoint sa kanya ang mga kanayon niya pero nagulat siya nang makauwi dahil ipinagfiesta siya ng buong nayon. Lalong nalungkot si Garet kasi nga hindi naman siya nanalo. Nang salubungin siya ng nanay at tatay niya ay niyakap agad siya.
Sinabi ni Garet na hindi siya nanalo, sabi ng magulang at mga kapitbahay: "Kunwari ka pa narinig namin sa radyo, CHAMPION CIGARETTE!